AKO AY BIKTIMA NG CYBERCRIME, HINDI AWTORISADONG SPRIMENTASYON, AT NG GRUPONG IT SHADOW, BUSINESS MIRROR, AT MANIPULASYONG MAY KINALAMAN SA CYBERSECURITY SCHEME.

Ako si Charles Tanauan, a.k.a. Master Kanor, isang gaming content creator na taga Brgy. 49 Hillside Ville, Tacloban City, Leyte. Nagkakilala kami ni Cris Abadines, isang miyembro ng LGBTQ (live-in partner), noong 2014 at nanirahan ako sa kanilang tahanan mula 2015 hanggang sa kasalukuyan.

Dahil meron sila Cris internet connection o WiFi, doon ako nagsimula mag-search online kung paano kumita ng pera online tulad ng play-to-earn na mga application. At Naging gaming content creator din ako sa Mobile Legends gamit lamang ang cellphone. Meron din akong Youtube channel, pero dahil di pa ako marunong kung paano ito kumikita ay pumasok lang muna ako sa pag buy and sell. Kung saan bumibili ako ng mga produkto sa Shopee at ibinbenta ko sa Facebook at Shopee. Nakapag-invest ako ng laptop at nagkaroon kami ng pwesto sa night market dito sa Tacloban

Dahil meron silang internet connection o WiFi sa bahay nila Cris, doon ako nagsimulang mag-search online kung paano kumita ng pera online, gaya ng mga play-to-earn na application. Naging gaming content creator din ako para sa Mobile Legends gamit lamang ang cellphone. Meron din akong YouTube channel, pero dahil hindi ko pa alam noon kung paano ito kumikita, pumasok muna ako sa buy and sell kung saan bumibili ako ng mga produkto sa Shopee at ibinibenta ko ito sa Facebook at Shopee.

Nakapag-invest ako ng isang laptop at nagkaroon kami ng pwesto sa night market dito sa Tacloban.

Dahil sa COVID-19 noong 2020, napilitan kaming magsara ng aming physical store at online store dahil sa lockdown at hirap sa pag-restock ng mga produkto.

Kaya naisipan kong bumalik sa pagiging content creator sa Facebook at YouTube. Dahil cellphone lang at low specs na laptop ang gamit ko, nag-isip ako ng paraan kung paano ko maia-upgrade ang mga gamit ko sa paggawa ng content. Sakto naman at umuso sa panahong iyon ang barter, kaya na-trade ko ang aking lumang cellphone para sa isang computer at pina-setup ko ito sa pamangkin ni Cris na si Carl Justin Pagaspas.

At doon na ako nag-focus bilang isang Gaming Content Creator. Dahil nakaabot sa milyon ang views ng aking mga videos sa YouTube, nagsimula na rin akong kumita. Ginamit ko ang aking revenue mula sa YouTube para makapag-invest sa mas magandang computer na nagkakahalaga ng isang daang libong piso (₱100,000) — mga gaming computers na gagamitin ko sa trabaho.

Ang pamangkin ni Cris na si Carl Justin Pagaspas, isang IT technician, ang nag-build ng mga computers na iyon. Siya rin lagi ang kinukuha ko para sa pag-aayos ng mga PC, internet, at troubleshooting dahil siya lang ang kilala kong IT technician na kaibigan ko at pamangkin pa ni Cris.

Dahil sa kumikita na ang aking YouTube account, doon na rin nagsimulang pumasok ang mga promotion. Sa umpisa, wala pa munang sumubok dahil marami na ang na-scam at na-hack ang kanilang social media channel. Ngunit hindi pa rin ako tumigil hangga’t may nakita akong mga legit na promotion.

Dahil napatunayan ko na may mga legit promotion, doon na ako nagsimulang mag-recommend sa mga kaibigan kong Gaming Content Creator din na tulad ko. Hanggang sa pumasok na rin ang mga casino promotion, at doon ako naging agent na siyang taga-recommend ng mga kapwa ko content creator sa mga casino owner para mag-promote ng kanilang Casino platform.

Yung talent fee ko noon sa umpisa ay five hundred (₱500) pesos bawat isang successful cooperation para sa promotion.

Taong 2021, noong pumanaw ang aking Tito sa Maynila, napagpasyahan kong pumunta roon. Doon ko muling nakita si Mario Nalda Cadisal na nakilala ko pa noong kabataan ko. Nagtanong ako sa kanya kung meron ba siyang trabaho at kung marunong siyang gumamit ng computer. Ayon sa kanya, wala siyang alam sa paggamit nito, kahit sa simpleng pag-Facebook gamit ang computer.

Pag-uwi ko sa Tacloban, lalo pang dumami ang engagement ko bilang content creator kaya kinuha ko ang pinsan kong si Mario Nalda Cadisal upang mabigyan siya ng trabaho bilang aking assistant at support sa promotions. Dahil wala siyang kaalaman sa computer, matiyaga ko siyang tinuruan. Siya ang na-assign at nakikipag-communicate sa mga nagpapa-promote sa aking channel, habang ako naman ang nag-e-edit ng mga content.

Hanggang sa dumami na ang aking mga casino promotion at nakapag-invest na rin ako ng isa pang computer para kay Mario Nalda Cadisal. Si Carl Justin Pagaspas muli ang nag-build ng PC. Dito na kami nagsimula bilang isang Influencer Manager team, kung saan naghahanap kami ng mga brand owner o casino owner na gustong magpa-promote sa mga Social Media Influencer.

Kapag may nahanap kaming gustong magpa-promote ng kanilang brand o casino platform, nagbibigay kami ng listahan ng mga influencer na available para sa promotion. Dahil sa patuloy na pagdami ng aming engagements, si Mario na ang aking pinagkatiwalaan sa ibang mga gawain habang ako ang naka-focus sa pag-edit ng content, research, at business development.

At dahil lumalago na rin ang kita ko, kinuha ko si Lawrence Daria upang tumulong din sa akin bilang sideline niya pagkatapos ng kanyang trabaho bilang merchandiser. Nagpa-build pa ako muli ng isang computer set kay Carl Justin Pagaspas para kay Lawrence Daria at tinuruan ko rin siya kung paano namin ginagawa ang aming trabaho.

Sa kagustuhan kong makatulong sa iba, nakita ko sa Facebook ang mga local vloggers sa Tacloban na sina Simoy at Sadam, kilala bilang “Mga Kawawang Nilalang.” Ini-invite ko sila upang matulungan na ma-improve ang kanilang content at mabigyan ng promotion, lalo na’t si Simoy ay aking kababata.

Habang nagtatrabaho si Mario sa akin, ako ang sumasagot sa kanyang pagkain at tirahan, kasama na rin ang ₱10,000 na buwanang sahod. Si Lawrence naman ay regular na nakatatanggap ng kanyang komisyon.

Ganoon din ang mga vlogger na sina Simoy at Sadam—lagi silang nasa akin upang maghintay ng promotion. May mga pagkakataon din na nagkakasama kami upang mag-bonding o kumain sa labas kasama ang iba pa naming mga kaibigan.