Ako po si CHARLES TANAUAN, nasa hustang gulang, Filipino at Bacoor, Cavite matapos na makapanumpa nang naaayon sa saligang batas ng Pilipinas ay nagsasaad ng mga sumusunod:
- Na ako po ay nagsasalaysay upang maghain ng “Multiple Cybercrime Violations under R.A. 10175 involving Unauthorized Access, Data and System Interface, Computer-Related Fraud, Identity Theft, Cyber Harassment, and Qualified Theft; plus Violation of Human Rights due to Unauthorized Experimentation and Psychological Torture.”” laban kina CARL JUSTIN PAGASPAS, MARIO NALDA CADISAL, LAWRENCE DARIA;
- Na, Ako ay ang kasalukuyang kinakasama ni CRIS ABADINES;
- Dahil meron sila Cris internet connection o WiFi, doon ako nagsimula mag-search online kung paano kumita ng pera online tulad ng play-to-earn na mga application. At Naging gaming content creator din ako sa Mobile Legends gamit lamang ang cellphone. Meron din akong Social media channels,
- pero dahil di pa ako marunong kung paano ito kumikita ay pumasok lang muna ako sa pag buy and sell. Kung saan bumibili ako ng mga produkto sa Shopee at ibinbenta ko sa Facebook at Shopee. Nakapag-invest ako ng isang laptop at nagkaroon kami ng pwesto sa night market dito sa Tacloban.
- Dahil sa COVID-19 noong 2020, napilitan kaming magsara ng aming physical store at online store dahil sa lockdown at hirap sa pag-restock ng mga produkto.
- Kaya naisipan kong bumalik sa pagiging content creator sa Facebook at YouTube. Dahil cellphone lang at low specs na laptop ang gamit ko, nag-isip ako ng paraan kung paano ko maia-upgrade ang mga gamit ko sa paggawa ng content. Sakto naman at umuso sa panahong iyon ang barter, kaya na-trade ko ang aking lumang cellphone para sa isang computer at pina-setup ko ito sa pamangkin ni Cris na si Carl Justin Pagaspas.
- At doon na ako nag-focus bilang isang Gaming Content Creator. Dahil nakaabot sa milyon ang views ng aking mga videos sa YouTube, nagsimula na rin akong kumita. Ginamit ko ang aking revenue mula sa YouTube para makapag-invest sa mas magandang computer na nagkakahalaga ng isang daang libong piso (₱100,000) — mga gaming computers na gagamitin ko sa trabaho.
- Ang pamangkin ni Cris na si Carl Justin Pagaspas, isang IT technician, ang nag-build ng mga computers na iyon. Siya rin lagi ang kinukuha ko para sa pag-aayos ng mga PC, internet, at troubleshooting dahil siya lang ang kilala kong IT technician na kaibigan ko at pamangkin pa ni Cris.
- Dahil sa Dumami na ang aking Engagement Sa Social Media Channels, doon na rin nagsimulang pumasok ang mga promotion. Dahil napatunayan ko na may mga legit promotion, doon na ako nagsimulang mag-recommend sa mga kaibigan kong Gaming Content Creator din na tulad ko. Hanggang sa pumasok na rin ang mga casino promotion, at doon ako naging agent na siyang taga-recommend ng mga kapwa ko content creator sa mga casino owner para mag-promote ng kanilang Casino platform. Yung talent fee ko noon sa umpisa ay five hundred (₱500) pesos bawat isang successful cooperation para sa promotion.
- Sa kagustuhan kong makatulong sa iba, nakita ko sa Facebook ang mga local vloggers sa Tacloban na sina Simoy at Sadam, kilala bilang “Mga Kawawang Nilalang.” Ini-invite ko sila upang matulungan na ma-improve ang kanilang content at mabigyan ng promotion, lalo na’t si Simoy ay aking kababata.
- Habang nagtatrabaho si Mario sa akin, ako ang sumasagot sa kanyang pagkain at tirahan, kasama na rin ang ₱10,000 na buwanang sahod. Si Lawrence naman ay regular na nakatatanggap ng kanyang komisyon.
- Ganoon din ang mga vlogger na sina Simoy at Sadam—lagi silang nasa akin upang maghintay ng promotion. May mga pagkakataon din na nagkakasama kami upang mag-bonding o kumain sa labas kasama ang iba pa naming mga kaibigan.
- Napagplanuhan namin na gumawa ng iisang page at YouTube channel. Naisipan namin ito dahil tuwing lumalabas kami o may outing, makakagawa kami ng content at hindi masasayang ang mga labas naming magkakaibigan.
- Dahil sa marami kami at walang mga service ang iba sa kanila, napagpasyahan kong mag-invest ng sasakyan na binili namin sa Maynila para magamit sa trabaho at paggawa ng content tuwing may lakad o outing.
- Noong Mayo 2023, pagkabalik namin ni Mario galing Maynila, nagplano kami na magpa-blessing ng sasakyan sa Sulangan, Eastern Samar, kasama sina Mario at Lawrence. Ngunit hindi sila sumama sa kung anu-anong dahilan.
- Umuwi si Mario mag-isa sa Samar. Nagduda ako, kaya agad kong chineck ang computer na ginagamit niya. Doon ko nakita ang mga aktibidad at ang pondo sa Coinbase Crypto Wallet, pati na rin ang mga invoice na may kinalaman sa trabaho—nag-ooperate na pala sila ng mga casino sa pamamagitan ng revenue share at meron na rin silang sariling mga casino platforms, applications, gamit ang perang nakuha mula sa hindi awtorisadong transaksyon sa negosyo.
- Hindi lang iyon—may sarili na rin silang mga agencies tulad ng influencer marketing service providers na konektado sa mga casino platforms.